Premiere Shots: Launch ng Bagong TV5, Dinagsa ng mga Kapatid!

Sobrang engrande ang ginawang Trade and Press Launch ng bagong TV5 na ginawa sa World Trade Center noong Huwebes, March 25. Seryoso bagong ‘Kapatid Network’ na maging isa sa mga big players sa TV industry with its expansion plans at bonggang-bonggang programming.

Nag-enjoy nang husto ang mga advertisers at members of the press sa big raffle prizes, clebrity performances, at siyempre pa sa pagiging mga ‘TV5 Kapatid.’

Kaaliw nga ang bagong Station ID kung saan ipinakita rin ang bagong logo ng network na parang isang makinis at makinang na bola ng bilyar, at nandoon dina ng ilan sa pinakamalalaking Kapatid stars and talents tulad ninan Paolo Bediones, Ryan Agoncillo, Lucy Torres-Gomez, Ruffa Gutierrez, JC De Vera,Maricel Soriano, Vic Sotto, Joey de Leon at Dolphy. With this, handang-handa na nga talaga ang TV5 na makipagsabayan sa dalawa pang higanteng TV stations.

Tiyak nga na kaabang-abang ang tuluyang paglaki ng TV5 with its big and unique offerings specially made Para Sa ‘Yo, Kapatid!

Ni Dani Flores

Photos by Allan F. sancon and Yomen

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “Premiere Shots: Launch ng Bagong TV5, Dinagsa ng mga Kapatid!

Leave a Reply

Your email address will not be published.