Latin beauty bilang judge sa beauty contest, inayawan

SINO ANG Latin-American beauty personality na nahirang maging miyembro ng panel of judges sa isang beauty contest na gaganapin sa linggong ito sa isang distrito ng siyudad sa Central Mindanao? Ayon sa mga ugong-ugong, marami ang umaangal na hindi karapat-dapat masama sa mga hinampalan ang dating naging co-host sa isang popular na noontime variety show sa telebisyon.

Ang pagtutol ay dahil daw itong si Latina ay napapabalitang girlfriend ng isang may asawang mambabatas na siyang nagsama sa kanya nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino. Wika ng kanyang mga katoto, tila talagang binabandera na ni Congressman ang kanilang relasyon. Balitang siya ang tumulak na maging judge sa beauty contest ang kanyang chiching.

Ayon din sa mga sour-ces, nagkaroon na rin ng ugnayan si Latina sa ibang mga kilalang personalidad sa larangan ng pulitika.

Ang beauty contest ay nakatakdang ganapin sa Aug. 26.

Dahil sa diumano poot at inis, nagbanta ang mga tao sa distrito na ibo-boycott ang nasabing okasyon. Kung mangyari ito, mapa-pahiya nang katakut-takot ang Congressman at siyempre, ang kanyang amor. Napakadaling hulaan, sey ninyo?

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.