Sugod Shooting: Latest viewing kay Janice!

NGAYON LANG NAPAPAYAG SI Janice de Belen na gumawa uli ng pelikula dahil maganda ang script ng Last Viewing at nu’ng nabasa raw ito ng mga anak niya, sila pa raw ang nagkumbinsing gawin ito gusto naman daw nilang mapanood sa wide screen ang Mommy nila.

Nang lumalaki na kasi ang mga anak ni Janice, nasa TV na lang siya lagi at hindi na gumagawa ng pelikula. Kaya nang dumating ang magandang script ng Last Viewing na prinodyus ng Davies Entertainment, kaagad niyang isiningit sa tight schedule niya ang shooting nito.

Kuwento ng isang ina na nagtatrabaho sa isang crematorium ang role dito ni Janice at meron siyang isang anak na autistic.

Nawala raw itong anak niya at isang nakadudurog ng puso ang eksenang mapapanood n’yo nang finally, nakita na niya ang kanyang anak.

Nakare-relate na ngayon si Janice sa promo nitong Last Viewing dahil kagagaling lang niya sa pagluluksa ng pagkamatay ni Tito Douglas Quijano at isa siya sa nag-asikaso sa burol nito.

Muling patutunayan ni Janice ang galing niya sa pag-arte at sabi nga ng direktor nitong si Roni Bertubin, tiyak daw na mag-a-agree ang lahat na puwede siyang lumaban sa best actress category pagkatapos n’yong mapanood ang Last Viewing.

Sa Augut 5 na ang showing nito at magkakaroon ng premiere night sa July 28 na gagawin sa CCP.

Kasama rin sa pelikulang ito sina Leandro Baldemor, Tommy Abuel at Sherwin Ordoñez.

Sugod Shooting
by Gorgy’s Park

loading...

One thought on “Sugod Shooting: Latest viewing kay Janice!

  1. i’m a big fan of janice…i salute her of being such a brave woman and a good mother to her children…keep up the good work janice..

Leave a Reply

Your email address will not be published.