Late bloomer lang daw siya at ‘di tomboy
Yeng Constantino, ipinakilala na ang non-showbiz BF

SA NAKARAANG launching kay Yeng Constantino bilang bagong endorser ng Samsung, kinumpirma ni Yeng Constantino na dalawang linggo na ang tinatakbo ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Victor Asuncion. Sinagot nu’ng June 18 lang, kasamahan ni Yeng si Victor sa Victory Church, kung saan isa itong worship director.

Ito ang kanua-unahang pakikipagrelasyon ng singer kung saan ramdam na ramdam sa kanya ang kilig at kaligayahan. Ayon kay Yeng, ngayon siya nakaramdam ng tapang na subukang magmahal at masasabi niyang worth it naman ang ginawa niyang paghihintay dahil isang mabuting tao ang ibinigay sa kanya.

Tinanong namin kung boto ba ang mga magulang niya kay Victor, kung saan kilalang medyo mahigpit ang ama ni Yeng, ikinuwento naman ng rock singer na nu’ng dinala niya sa bahay nila ang boyfriend at pinakilala sa kanyang ama, nakita niya agad na nakagaanan ito ng loob ng ama at ang mga ito na ang nagkukuwentuhan at nagba-bonding.

Tipikal tulad ng ibang relasyon, isa sa isyu ng magkasintahan ay ang ‘di pagte-text ng boyfriend kung saan ngayon naman ay nabago na ito. Lumalabas naman ang pagiging sweet ni Yeng, kung saan nu’ng isang beses ay sinorpresa niya ang kasintahan sa paglalagay ng chocolate sa desk nito nang palihim.

Isa sa sa mga singer na matagal nang nakukuwestiyon ang gender at napaghihinalaang lesbiyana, ngayong may boyfriend na si Yeng ay tiyak na mamamatay na rin ang matagal nang isyung ito sa singer. Nagbigay-pahayag si Yeng na late bloomer lang siya at takot lang talagang mag-commit .

Pinaghahandaan din ang back to back concert kasama si Bamboo sa Araneta sa darating na August, excited at masaya si  Yeng sa nalalapit na concert dahil bukod sa hinahangaan ang galing ng isang Bamboo ay ito ang kauna-unahang pagtatanghal ni Yeng sa Araneta na pangarap ng halos lahat ng singers.

 

NAGBUKAS NA ng saloobin niya si Benjie Paras tungkol sa nabuksang isyu na naman sa kanilang dalawa ng dating asawa na si Jackie Forster sa nakaraang presscon ng Got To Believe. Ito ang pagbabalik-serye muli ng dating basketbolista pagkatapos ng matagal-tagal ding pamamahinga sa telebisyon.

Tamang-tama ang personalidad ni Benjie sa nasabing serye kung saan magaan ang magiging takbo ng istorya.  Naging malaking balita ang nakaraang page-guest ng dalawang anak nila kamakailan, kung saan nabanggit ng mga ito na ang kanilang stepmother ang tumayong bilang isang tunay na ina nila at mahal na mahal nila. Nag-react naman agad dito si Jackie, nagpadala ng press statement at nagsabing huwag siyang punuin dahil ilalabas niya ang katotohanan.

Nagbigay-pahayag at paniniguro si Benjie na hindi niya inimpluwensiyahan ang mga anak para lumayo ang loob ng mga ito kay Jackie at hindi gustuhing makipagkita rito. Ito ay desisyon ng mga bata at base sa kung ano ang nakita at naranasan ng mga ito sa mga nangyari.

Ayon kay Benjie, kinausap niya mismo ang mga bata para makipagkita at makipag-usap ang mga ito kay Jackie pero ang mga ito mismo ang may ayaw. Siniguro sa amin ng dating basketbolista na desisyon ng mga anak na hindi na ito makipagkita pa sa ina.

Hindi na nagulat na mabubuksan muli ang isyu sa kanila ni Jackie at maaaring sa huli ay sila pa ang lumabas na masama, sa nakikita namin ay mukhang malayo pa ang tsantsa na maayos ang lahat. Bukod kasi sa sariwa pa sa mga taong sangkot ang mga nangyari, nasa ibang bansa rin si Jackie at may sarili nang pamilya roon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Late bloomer lang daw siya at ‘di tomboy
Yeng Constantino, ipinakilala na ang non-showbiz BF

  1. napanood ko yung MTV ni yeng sa Myx..nyahahaha may kasama siyang bakla. si Enchang gay. nyahahah nakakatawa ang MTV na yun. isang beki at isang singer na babae na naka cosplay costume o Anime…nyahahhaha..sorry yeng…marami pa ring duda sa gender mo…

    • KOREK KA JAN. DUDA PA RIN AKO AT BAKA GIMIK LANG YANG BF NA YAN. DI BA LAST MONTH LANG NAGSABI SI YENG NA CRUSH NYA SI MAMA ENCHANG? NGAYON, SUDDENLY, MAY JOWA NA? HAHAHAHA. KALOWKAH! GIMIK NA NAMAN YAN TO HIDE HER TRUE IDENTITY.

Leave a Reply

Your email address will not be published.