Lastikman; 10 Pang Preso, Pumuga

TUMAKAS ANG 11 bilanggo kasama na ang binansagan ng mga kinauukulan na notorious inmate na si Datucan Samad alyas ‘Kumander Lastikman’ na nahaharap sa mabibigat na mga kaso kahapon ng ala-1:30 ng madaling-araw sa Maguindanao Provincial Jail na nasa Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City police director S/Supt Danny Reyes, kinumpirma nito na dalawa sa mga tumakas ay nahuli, habang siyam na iba pa, kasama na si Kumander Lastikman ang pinaghahanap pa rin.

Dumaan ang mga pugante sa iron grill ng toilet kung saan nilagare ng mga ito ang rehas sa pamamagitan ng hacksaw, ani Reyes.

Ang dalawa sa mga tumakas ay nasukol sa loob ng bilangguan na nabigo umanong makalabas.

Noon pang buwan ng Marso ay meron nang mga kahilingan na mailipat si Kumander Lastikman at iba pang high-risk detainees sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, subalit hindi matuluy-tuloy bunsod na rin ng dinidinig ang mga kaso nito sa Cotabato City. Ito ay nahaharap sa mga kasong extortion, kidnapping, carnapping, robbery hold-up, multiple murder, multiple frustrated murder, arson, at iba pa.

Samantala, pinaniniwalaan ding si Lastikman ang nasa likod ng pagkamatay ng 30 sibilyan sa Pikit, North Cotabato noong nakaraang taon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang hot pursuit operations ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad, Special Action Force (SAF) at Philippine Marines Mobile Landing Team-1. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.