Laslas Bag, Laglag sa Parak

KULONG ANG isang lalaki matapos laslasin ang bag at tangayin ang cellphone ng kasakay sa bus sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Raffy Morales, 36, ng Project 8, Quezon City.

Batay sa ulat, alas-4 ng madaling-araw, kasakay ng suspek sa pampasaherong bus si Malvin Ace Mindanao, 28, ng Caloocan City at pagsapit sa MacArthur Highway, Marulas ng lungsod ay nilaslas ni Morales ang bag ng biktima.

Nakuha ng suspek ang cellphone ng biktima bago mabilis na pumara at nagmama-daling bumaba.

Nasaksihan naman ng pasaherong si Cleo Calderon ang pangyayari na naging dahilan upang ipaalam sa biktima.

Mabilis na bumaba ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang mga pulis na naging dahilan upang habulin ang suspek.

Hindi na pumalag ang suspek nang maabutan at nabawi ang cellphone ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.