Lasing, Patay sa Kinakasama

TODAS ANG isang kelot ma-tapos masaksak ng ka-live-in makaraan ang pagtatalo nang manghingi ng pera ang una dahil nabitin sa toma sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa leeg si Roy Guillermo, 33 ng J.B. Santos St., Tangos ng lungsod.

Kusang loob naman sumuko sa mga pulis si Heidi Grutas, 20 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-7:45 ng gabi, umuwing nakainom na ang suspek at humihingi ng pera upang bumili pa ng alak dahil nabitin umano sa inom.

Nang walang maibigay ang suspek ay inaway ng biktima kung saan nang hahampsain ng hawak na bote ni Guillermo ay napatakbo sa kusina si Grutas at nakakuha ng patalim.

Sinundan ng biktima ang suspek at nang mu-ling hahampasin ay sinaksak na ito ng una.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TMC habang sumuko sa mga pulis ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.