Lasing patay sa grupo

PATAY ANG ISANG binata matapos pagtulungang gulpihin ng hindi pa nakikilalang grupo habang ang una ay lasing na naglalakad sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Jayson Francia, 22, ng Sangandaan ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng gabi, lasing na naglalakad ang biktima sa Block 43, Longos ng lungsod nang pagtripang bugbugin ng mga suspek

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa PLM si Francia.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.