Lasing, Patay na Nang Lumutang sa Creek

PATAY NA nang matagpuan ang isang lasing na lalaki na nakalutang sa creek sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Jerome Robete, 33 ng Canaro Heights Subd., Deparo ng lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang makitang patay na lumutang ang biktima sa Creek sa Palmera Spring, Camarin ng lungsod.

Wala namang nawala sa mga gamit ng biktima kung saan huling nakitang buhay noong Sabado ng gabi, alas-7 na nakipag-inuman sa  bahay ng tiyahin sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.