Lasing na pulis, binoga si misis

 

ILOILO CITY – KASALUKUYANG nasa kritikal na kondisyon ang 42-anyos na misis matapos mabaril ng kanyang pulis na mister.

Nagtamo ng malubhang sugat sa tiyan, dalawang sugat sa dibdib at sugat sa hita ang biktima na nakilalang si Mary Joy Diestro, residente ng Poblacion, New Lucena, Iloilo.

Batay sa impormasyon na nakalap ng mga awtoridad, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa, kung saan lasing ang suspek na si PO2 Jude Diestro na naka-assign sa 5th Maneuver Platoon.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, narinig na lamang ng mga kapitbahay ng mag-asawa ang sunud-sunod na putok ng baril at nakita na sugatan na ang biktima matapos tamaan ng bala mula sa .9mm caliber pistol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.