Lasing na Pulis, Arestado sa Baril

ARESTADO ANG isang lasing na pulis makaraang mahulihan ng baril sa isinagawang “Oplan Sita” ng Malabon City Police kamakalawa ng gabi.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si PO1 Janssen Tullo, 31, binata, PNP member, nakatalaga sa Police Station 5 ng QCPD sa Fairview, Quezon City, at residente ng # 245 4th St., 10th Ave., Grace Park East, Caloocan City.

Ayon kay SPO1 Edsel D. Dela Paz, ng Malabon City Police Station Investigation Division (SID) at may hawak ng kaso, bandang alas-11:30 ng gabi nang maaresto si Tullo sa harap ng Police Community Precint na matatagpuan sa Gov. Pascual Ave., Araneta Ave., Bgry. Potrero, Malabon City.

Nabatid na bago u-mano maaresto ang na-

sabing pulis, kasalukuyan nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga miyambro ng PCP 2 sa pangunguna ni SPO1 Reymundo Sablaon sa harap ng kanilang presinto.

Isang taxi cab na may body name na Aldran Taxi na may plate no. TXX 676 na minamaneho ng isang Rodrigo Perez ang pumasok sa isang one way na kalsada sakay ang isang hindi nakikilalang babae na umano ay asawa ng nabanggit na pulis dahilan upang ang nasabing taxi driver ay sitahin ng grupo ni SPO1 Sabalon.

Habang nagaganap ang pagsita sa nasabing taxi ay biglang duma-ting si PO1 Tullo sakay ng isang kulay itim na Yamaha Nouvo na may plakang 8747 XH na lasing sa alak at galit na kinumpronta ang driver ng nasabing taxi.

Sa puntong ito ay napansin ng mga pulis na may nakasuksok na baril sa kanang baywang ni Tullo kaya kaagad itong inaresto na agad namang nagpakilala na isa ring pulis at pasigaw na nagpahayag ng “’Wag kayong makikialam, away mag-asawa ito.”

Hiniling ni SPO1 Sablaon kay PO1 Tullo na isuko nito ang kanyang service firearm  na .9mm caliver barreta subalit tumanggi ito kaya na-pilitan ang mga pulis na puwersahan kumpiskahin ang nasabing baril.

Si PO1 Tullo ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa Ommibus Election Code (gun ban) sa Malabon-Navotas Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.