Lasing na Parak, Nag-Amok

NAHAHARAP SA kasong Alarm and Scandal ang isang pulis na nakatalaga sa Buenavista Municipal Police Station (BMPS) matapos na manggulo ito sa isang bar sa Lucena City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Aldrin Andres, may hawak ng kaso mula sa Lucena PNP, ang parak na inireklamo ay kinilalang si PO3 Felix Maano Jr. na nakatalaga sa BMPS.

Dakong alas-9 ng gabi nang magtungo ang ope-ratiba ng PNP Lucena sa Road 62 Bar And Restaurant matapos na makatanggap ng reklamo mula kay Ronaldo Besa Javierto, 51-anyos, businessman at residente ng 62 Gomez Street, Brgy. 4, Lucena City ukol sa pagwawala ng isang pulis.

Subalit pagdating umano ng PNP sa lugar ay ‘di na naabutan pa ang inereklamong puli dahil nakaalis na umano ito. Sa ikalawang pagkakataon naman dakong alas-9:45 ng gabi, muling nagtungo sa lugar ang PNP na sinasabing bumalik ang pulis na si Andres.

Bagamat naabutan ng mga PNP si Andres sa lugar ay ‘di naman ito inaresto sa pakiusap na rin ng ama nitong si Felix Avilo konsehal ng bayan na nakiusap na ito na lamang ang magdadala sa anak sa himpilan ng pulisya sakaling may reklamo.

Desidido naman ang pamunuan ng bar na ituloy ang reklamo laban sa nasabing parak na ‘di na nalinaw pa kung ano ang pinag-ugatan ng pag-alburuto nito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.