Lasing na Nahiga sa Gilid ng Creek, Nahulog, Patay

PATAY ANG hindi pa kilalang lasing matapos malunod nang mahulog makaraang mahiga sa gilid ng creek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang biktimang nasa edad 45 hanggang 50, nakasuot ng itim na T-shit at maong na short.

Base sa ulat, alas-6:30 ng gabi, nakitang umiinom ng alak ang biktima sa gilid ng creek sa Lapu-Lapu Avenue , Longos ng lungsod.

Nang malasing ay nahiga sa gilid ng creek subalit nahulog at nagkakawag.

Nagawa namang maiahon ng mga nakatambay sa nasabing lugar ang biktima at madala sa PLM kung saan inaalam na ang pagkakakilanlan nito.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.