Lasing na nagwala, patay sa bugbog

PATAY ANG ISANG lasing na lalaki matapos pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan na nabuwisit sa pagwawala ng una sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga bugbog at saksak sa katawan si Reden Raagas, 28 ng Area 2, North Bay Boulevard South, Navotas.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, lasing ang biktima at nagwawala sa Halaan Alley, Longos, ng nabanggit na lungsod nang mapadaan ang mga suspek at patulan si Raagas.

Pinagtulungang bugbugin ang biktima at bago tumakas ang mga suspek ay iniwanan pa ito ng mga saksak sa katawan.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.