Lasing na lolo, patay sa bubong

PATAY ANG ISANG lolo na lasing makaraang mahulog sa bubong ng kanilang bahay sa Lucena City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si  Miguel Macalino Yumang,82, tubong-Pampanga ng  Garnet St., Pleasantville Subdivision, Barangay Ilayang Iyam.

Nabatid na natagpuan ng kanyang asawa na si Pacita ang katawan ng biktima sa harap ng kanilang bahay dakong alas-9:15 kamakalawa.

Sa pagsisiyasat, dumurugo ang ulo ng biktima na nahulog sa bubong dahil sa kalasingan.

Bago matagpuan ang duguang bangkay ni Miguel, nakita ito ng kanilang kapitbahay na lasing at bitbit ang bote ng beer paakyat ng kanilang bubungan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Lasing na lolo, patay sa bubong

Leave a Reply

Your email address will not be published.