Lasing na Kolehiyala, Pinapak ng Taxi Driver

KASALUKUYANG INAA-LAM pa rin ng mga awtoridad sa Baguio at Benguet kung sino ang taxi driver na nang-halay sa isang babae noong madaling-araw ng Linggo.

Una rito, nagtungo sa istyasyon ng pulis ang 19-anyos na estudyante matapos nitong malaman na ginahasa siya ng hindi nakikilalang salarin.

Sinabi ni La Trinidad, Benguet C/Insp. Byron Allatog na hanggang sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga operator at driver ng taxi sa Baguio at Benguet upang malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.

Base sa pahayag ng biktima, pasado ala-1:00 ng madaling-araw nang sumakay siya sa harapan ng isang bahay-inuman sa lungsod ngunit nawalan agad ito ng malay.

Nagawan pa niyang suntukin ang salarin ngunit nanlaban ito.

Dahil dito, hindi na niya alam ang nangyari pa ngunit nagulat na lamang ito nang magi-sing na wala nang saplot at masakit ang buong katawan at nakahiga sa madamong parte ng Longlong Highway.

Samantala, inamin din ng biktima na la-sing ito na nagdulot ng pagkawala ng kanyang malay.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang dalaga habang iniimbestigahan pa ng mga kinauukulan ang nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.