Lasing na kelot patay sa motorsiklo

HUWAG MAGMANEHO KAPAG nakainom ng alak, ito ang nangyari sa isang kelot na namatay matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa poste dahil sa kalasingan sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Dennis Nicodemus, 29 ng Sto. Niño, Concepcion ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng hapon, lasing ang biktima at habang binabagtas ang Sioson St., Dampalit ng lungsod dala ang Suzuki (8386-UB) nang mawalan ng control at bumangga sa poste ng Meralco.

Agad na dinala ang biktima sa VGH subalit hindi na ito umabot nang buhay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.