Lasing na Kelot, Patay sa Kuryente

PATAY ANG isang lasing matapos sumabit sa kawad ng kuryente sa Evangelista Street malapit sa Light Rail Transit (LRT) 2 – Recto Station sa Maynila Miyerkules ng hapon.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Julieto Malindog ng Manila Police District (MPD) homicide section, biglang umakyat ng poste si Ariel Albano.

Ayon naman sa anak ng biktima na si Arvie, sinabi nitong madalas ay kung saan-saan pumupunta ang kanyang ama kapag nalalasing.

Sinabi naman ng mga taga-roon, mahilig talagang umakyat ng mga poste si Albano tuwing nakakainom.

Inirereklamo naman ng pamilya ng biktima kung bakit hindi sinaway si Albano ng mga gwardyang nasa outpost malapit sa poste kung saan ito umakyat.

Sinasabing nangangalahati pa lamang ito sa poste nang may sumabog at nakuryente ang biktima.

Higit isang oras ding sumabot sa sala-salabat na mga kawad ng kuryente si Albano.

Samantala, dahil naman sa nangyaring insidente, nawalan ng kuryente sa Isetann mall at sa mga bahay sa Evangelista Street.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.