Lasing na kelot, luwa ang bituka sa saksak

LUWA ANG bituka ng isang lalaki makaraang saksakin ng isang hindi nakikilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na kritikal ang kalagayan sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng malaking sugat sa tiyan ay nakilalang si Noel Cabalquinto, 28, tubong-Bataan at kasalukuyang nakatira sa Block 6, Lot 6, Phase 3-D, Brgy. 28, Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap namang kasalukuyan ng mga e-lemento ng Caloocan PNP ang hindi nakikilalang suspek na gumagala sa lansangan ng lungsod.

Base sa ulat ni PO2 Ramil Bautista, ng SIDMB ng Caloocan Police sa may hawak ng kaso, bandang ala-1 ng umaga nang maganap ang pananaksak sa kahabaan ng Tuna cor.Tuksay St., Brgy. 28, Dagat-dagatan.

Nakasaad ng ulat, la-sing na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ng salubungin ito ng suspek at walang sabi-sabing inundayan ng isang saksak sa tiyan na ikinaluwa ng bituka ng biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Ayon sa ilang residente, may gumagala sa kanilang lugar na isang madungis na lalaki at basta na lamang nananaksak sa bawat makasalubong.

Ang biktima ay nakaratay ngayon sa nasabing pagamutan kung saan patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.         (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.