Lasing na Kelot, Binaltak at Ginahasa ang Dumaang Dalagita

UMIIYAK NA dumulog sa tanggapan ng pulisya ang isang 15-anyos na babae makaraan umanong hatakin at gahasain ng isang lalake nang mapadaan ang biktima sa lugar ng suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay itinago ng Women’s and Children’s Concern Desk ng Caloocan City Police sa pangalang “Sophia”.

Kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Leynard Almaden, nasa hustong gulang, residente ng Sitio 6, Barangay Catmon, Malabon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang panghahalay sa biktima sa Balayngay St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Nabatid na kasaluku-yang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang makasalubong nito ang suspek na lango sa sa alak.

Sinubukang iwasan ng biktima ang lasing na suspek subalit nang makita siya ng huli na umiiwas ay kaagad na lumapit sa biktima at saka tuluyang hinila papunta isang parang bodega ng mga sirang appliances.

Pagdating sa nasabing lugar ay walang anu-anong hinubaran ng suspek ang biktima at tuluyan nang ginahasa habang nakatakip ang isa nitong kamay sa bibig ng biktima at sinasabing “Bakit ka umiiwas? Nakakadiri ba ako?”

Wala nang nagawa ang biktima kundi panoorin na lamang ang suspek sa kalapastanganan nitong ginagawa sa kanyang pagkababae.

Nang matapos ang suspek sa makamundo nitong pagnanansa ay agad ding umalis ang suspek na tila ba walang nangyari. Agad na umuwi ng kanilang tahanan ang biktima at nagsumbong sa kanyang ina dahilan upang ipagbigay-alam ng mga ito ang nangyari sa pulisya.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.