Lasing na Kapitan ng Barangay, Inutas

PATAY ANG isang punong barangay matapos pagtulu-ngang saksakin ng dalawang suspek sa Barangay Nasaka, Maasin, Iloilo.

Ang nasabing biktima ay si Punong Barangay Federico Sales na nagtamo ng hindi bababa sa limang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kawatan.

Ang mga salarin naman ay nakilalang sina Alex Banero at Elvi Labrador.

Sinabi ni PO3 Elmer Lenteja ng Maasin Municipal Police Station na nasa inuman ang kapitan sa tindahan na pagmamay-ari nina Julieta at Manuel Iwag.

Lasing na ang punong barangay nang bibili pa sana ng inumin ngunit hindi na pinagbentahan ng tindahan.

Dahil dito tinangka ng punong barangay na bumunot ng kutsilyo subalit pinigilan ito ng mga suspek na sina Banero at Labrador at doon na nasaksak ang biktima.

Dating alitan ng biktima at ng isa sa mga suspek na si Banero ang tinitingnan na motibo sa insidente.

Samantala, na-recover naman sa pinangyarihan ng insidente ang kutsilyo na ginamit sa pagsaksak sa biktima at nakuhanan din ng kutsilyo ang namatay na biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.