Lasing na kagawad, tinangay ng ilog

 

ILOILO CITY – PATULOY na pinaghahanap sa ngayon ang barangay kagawad sa Brgy. Binanua-an, Igbaras, Iloilo matapos tangayin ng tubig sa ilog.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay kinilalang si Brgy. Kgwd. Joey Peñafiel.

Lasing umano ang biktima nang tumawid sa ilog kasama ang kanyang kaibigan nang tangayin ng malakas na agos ng tubig, ayon kay S/Insp. Avelino Natal, hepe ng Igbaras Municipal Police Station.

Nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa karatig bayan subalit hindi pa rin natagpuan ang kawawang biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.