Lasing na dalaga, pinilahan ng 2 kainuman

HINDI INAKALA NG isang dalaga na ang pakikipag-inuman sa dalawang kakilalang lalaki ang magiging dahilan ng kapahamakan matapos halinhinang gahasain ang una ng mga huli sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nadakip naman si Jason Manalo, 19, habang nakatakas naman ang isang alyas na Buboy kapwa residente ng Sta. Quiteria ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 19, ng nasabing lugar, kamakalawa ng gabi ay nag-aya ang mga suspek kasama ang isang bebot na hindi na nakuha ang pangalan sa bahay ng isang alyas Toto sa Cleofas St., Sta. Quiteria ng lungsod na mag-inuman.

Dahil kakilala ay pumayag ang biktima at pagsapit ng alas-12:30 ng umaga ay nagkalasingan, kung saan nagpaalam na ang bebot na kainuman ng mga ito.

Inihatid ni Toto ang bebot at nang maiwan ang biktima at ang mga suspek ay agad na pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan ang dalaga.

Pumalag ang biktima hanggang sa suntukin sa sikmura na naging dahilan upang mawalan ng lakas hanggang sa patungan ni Manalo.

Nang matapos si Manalo ay si Buboy naman ang humalay sa dalaga at nang makaraos ay iniwan na ang biktima.

Umuwi ng bahay ang biktima at nagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang samahan sa presinto at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Manalo habang nakatakas si Buboy.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.