Lasing na caretaker, nalunod sa palaisdaan

PATAY ANG ISANG caretaker ng palaisdaan nang mahulog ito sa fishpond na kanyang binabantayan matapos madulas sa pilapil dahil sa labis na kalasingan, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Lungsod ng Malabon ang biktimang nakilalang si Jorge Abaja “alyas Gaga”, 48, may-asawa, ng R. Diaz, St., Merville Subdivision, Brgy. Dampalit ng nasabing lungsod.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Robert Miclat, may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng umaga nang maganap ang aksidente sa palaisdaan na pag-aari ng isang Mang Gary na matatagpuan sa nasabing lugar.

Ayon sa saksing si Antonio Marcuela, 50, kasamahan sa trabaho ng biktima, pasuray-suray na naglalakad sa pilapil ng nasabing palaisdaan si Abaja hanggang sa nadulas ito at nawalan ng balanse kung kaya’t bumagsak ito sa palaisdaan.

Sa kalasingan ay hindi na nagawa pang makaahon ng biktima dahilan ng pagkamatay nito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.