Lasing na Binata, Kulong sa Pagwawala

PATUNG-PATONG NA kaso ang isinampa sa nagwalang binata habang hawak ang patalim sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa mga kasong Alarm and Scandal, Grave Threat in relation to Child Abuse, Unjust Vexation at Illegal Possession of Deadly Weapon si Marvin Dangalan, 18, ng Kalye 4 ng lungsod.

Base ulat, alas-11 ng gabi, lasing ang suspek at habang hawak ang patalim ay naghahamon ng away sa nasabing lugar.

Dalawang kapit-bahay na binatilyo na may mga edad 15 at 17 ang pinagbantaang papatayin ng suspek at pinagbantaan din ang napadaan na pedicab driver na si Bryan Dela Cruz, 25 ng Orange Rd., Potrero, Malabon City.

Nagsumbong sa mga barangay tanod ang mga biktima at nang respondehan ay inabot pa na nagwawala pa rin ang suspek.

Pinagtulungan ng mga tanod na madakip ang suspek bago dinala sa presinto, kung saan nakuha ang gamit na patalim.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.