Lasing na Bebot, Kritikal sa Bundol

NASA KRITIKAL na kalagayan ngayon sa pagamutan ang isang babae makaraang mabundol ng isang humahagibis na truck trailer habang ang biktima ay tumatawid sa kalsada sa Caloocan CIty kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng Caloocan City Police Traffic Division ang biktima na si Mamerta Torrews, 46, ng # 105 5th. Avenue, ng nasabing lungsod.

Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad ang driver/suspek na nakilalang si Felipe Ranes y Delector, residente ng Catleya St., Tala, Caloocan City.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng nasabing tanggapan, dakong alas-2:30 ng mada-ling-araw nang mabundol ang biktima sa kahabaan ng C-3 road.

Nabatid, lasing na tumatawid umano ang biktima sa nasabing lugar nang hindi nito mapansin ang mabilis na paparating na nasabing sasakyan dahilan upang ito ay mabundol at tumilapon nang may ilang metro ang layo at naging dailan din ng pagkaka-bagog ng ulo sa sementadong kalsada.

Ang biktima ay kasalukuyang nakaratay sa Pres. Diosdado macapagal Memorial Medical Center kung saan ito ay patuloy na inoobserbahan ng mga mangagamot.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.