Lasenggong pulis, grabe sa tarak

KRITIKAL ANG kondisyon ng isang pulis makaraang tatlong beses saksakin ng umano’y nakainuman nito na isang construction worker sa General Santos City.

Ayon kay Chief Insp. Reynaldo Denila, hepe ng San Isidro PNP, kinilala ang biktima na si SPO1 Ruel Quintina ng City Public Safety Batallion.

Patuloy namang iniim-bestigahan kung fall guy ang inarestong si Rey Cañete, tubong Sasa, Davao City.

Sinabi ni Denila na nagkasama sa inuman sa isang party ng isa ring pulis ang biktima at suspek subalit nang maunang umuwi si Quintina saka naganap ang pananaksak sa kanya.

Lasing naman nang arestuhin si Cañete makaraang ituro ng saksi na may kinalaman sa insidente.

Inamin ng suspek na nagkasama sila ng biktima sa inuman subalit wala umano silang pinagtalunan na magiging dahilan ng naturang krimen.

Aniya, bumili lamang siya ng sigarilyo at hindi niya alam ang nangyari kay Quintina.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa selda ng San Isidro PNP habang pa-tuloy pang ginagamot ang pulis.      (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.