Lasenggong kelot, patay sa bangungot

HINDI INAKALA NG isang binata na huling tagay na nito ang pakikipag-inuman sa kanyang kasamahan makaraang matagpuan itong patay sa kanyang silid kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Wala nang buhay nang matagpuan ang biktima na nakilalang si Michael Villorente, 33, factory worker, ng # 329-A 2nd St., 5th Avenue, Grace Park, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 kahapon ng umaga nang madiskubreng isang malamig na bangkay na ang biktima sa loob ng kanyang silid sa naturang lugar.

Ayon sa kasamahan ng biktima na si Romeo Auron, 34, operator, bago ang insidente, kainuman pa nito ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa naturang lugar, kung saan natapos sila bandang alas-12 ng hatinggabi.

Dahil sa kalasingan, nakatulog na ang mga ito at hindi na rin namalayan ni Auron na sa upuan na ito nakatulog hanggang sa nagising ito.

Dito, ginising niya si Villorente subalit hindi man lamang ito sumasagot at napansin niya ang pamumutla ng biktima.

Agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at ipinagbigay-alam sa pulisya ang nasabing insidente. Agad namang tumungo ang operatiba ng Scene of the Crime Operatives-Northern Police District Office, dito nadiskubreng patay na ang biktima at wala naman nakitang anumang sugat sa katawan.

Sinasabing sa sobrang kalasingan ay binangungot ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.