Lasenggong Anak, Pinatay ang Tatay

MISTULANG DEMONYO ang isang lasenggong kelot nang pagsasaksakin ang sariling ama dahil pinagsabihan ng huli ang una dahil sa pagmumura nito sa kanyang nanay kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Matias Gabarda, 55 ng Dumlapi Compd., Lawang Bato ng lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na si Gerry Gabarda, 22, ng nasabing lugar at nakahandang sampahan ng kaukulang kaso.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:50 ng gabi, umuwing lasing ang suspek na sinermonan ng nanay.

Nabatid na minura ng suspek ang ina na narinig ng biktima na nakahiga na naging dahilan upang bumangon at kumprontahin ang papahigang anak.

Nabuwisit ang suspek sabay kuha ng patalim na nakalagay sa ilalim ng unan bago inundayan ng saksak ang tatay.

Dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hi-ninga habang agad naman nadakip ang suspek ng mga nagrespondeng mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.