Lasenggo, tigok sa pag-untog ng ulo sa pader

PATAY ANG ISANG kelot na lango sa alak matapos iuntog ang ulo sa pader makaraang magwala ito kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Wala nang buhay ng matagpuan ang biktimang si Ma-ning Nalcot, nasa hustong gulang, binata, ng Tabing Ilog, San Rafael Vill., Navotas City sanhi ng pagkabagok ng ulo nito sa semento.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng isang abandonadong gusali na matatagpuan sa Bronce St., Tugatog, Malabon.

Sa salaysay ng mga kaibigan ng biktima na sina Apolonio Andaya ,48; at Angelita Abellon, 30, magdamag na uminom ng alak si Nalcot kasama si Andaya sa nasabing lugar.

Pagsapit ng bandang alas-6 ng umaga, bigla na lamang nagwala ang biktima dahil sa labis na kalasingan at mara-ming beses nitong inuntog sa pader ang kanyang ulo.

Agad namang pinagtulungang awatin ng kanyang mga kaibigan ang nagwawalang biktima saka pinatulog na ito at makalipas ang ilang oras ay nagtataka sina Andaya at Abellon dahil hindi pa rin nagigising si Nalcot.

Dahil dito, agad na itinawag sa pulisya ang naturang insidente at nang respondehan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), wala naman silang nakitang palatandaan na pinatay ang biktima maliban sa pagkabagok ng ulo nito.

Dinala ang bangkay ng biktima sa PNP-CLO upang i-autopsy kung saan patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.