Las Piñas, May Bus Ban na rin

SUSUNOD NA rin sa na-ging hakbang ng Maynila ang lungsod ng Las Piñas sa pagbabawal na makapasok ang mga pampasaherong bus upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Kinumpirma na ni Mayor Vergel “Nene” Aguilar na nasa kanilang plano na ito at maaaring magpalabas sila ng kahalintulad na ordinansa tulad ng sa lungsod ng Maynila.

Maaari rin umanong magtayo sila ng “common bus terminal” sa mga hangganan ng lungsod upang doon na lamang magbaba at magsakay ng mga pasahero.

Partikular na tinukoy ni Aguilar ang matinding pagbubuhol ng trapiko na nararanasan sa Alabang-Zapote Road dahil sa dami ng pampasaherong bus na pumapasok sa naturang lungsod. Bukod pa rito ang mga bus na walang prangkisa at out-of-line.

Sa pamamagitan ng pagre-regulate sa mga pampasaherong bus, malalabanan nang husto ang mga kolorum na bus na pangunahing mga kaskasero at dahilan ng aksidente sa lansangan.

Samantala, makiisa rin ang alkalde sa panawagan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagkonsulta muna sa mga lokal na gobyerno bago mag-apruba ng mga bagong prangkisa ng bus dahil sa sobrang dami na ng bus na bumibiyahe sa Kamaynilaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.