Larong Pinoy, Binuhay ng mga Navoteño

TAUN-TAON, ISANG sports fest ang inaabangan ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, para mabigyan ng pagkakataon na makipaghalubilo sa mga kasamahan sa trabaho upang lalong mapagtibay ang kanilang magandang samahan.
Upang maging masaya at nakakapanabik ang natu-rang sports fest, naisipan ni Navotas Mayor John Reynald Tiangco na muling buhayin ang mga larong Pinoy at para mabago ang lifestyle ng mga residente.
Tulad ng mga larong piko, tumbang preso, siato, patintero at sipa imbes na ang nakagawiang isports tulad ng basketball, volleyball, badminton at tennis.
“Marahil ay marami sa atin ang nalimutan na ang mga larong kinalakihan ng ating mga magulang at maging ng ilan sa atin dahil sa mga makabagong paraan ng paglilibang at banyagang isports. Ngayon, kikilalanin muli natin ang mga larong matatawag nating sariling atin,” ani pa ng alkalde.
Sa loob ng tatlong araw mula noong Nobyembre 29, Disyembre 1 at 2, 2011 ay matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang “Palaro ni Juan”.
Ang ama ng lungsod, kasama ang mga konsehal at department heads ang team captains ng anim na team – Red (Bangus), Orange (Tilapia), Yellow (Lapu-Lapu), Blue (Hasa-Hasa), Green (Bisugo) at Violet (Galunggong).
Pumangalawa ang Red Team, na pinamunuan ni Mayor Tiangco, kontra Yellow Team dahil sa lamang na 10 puntos.
(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.