Larawan sa Canvas: Sheena Halili, uminom ng suka?

KULITIN KO NGA ang isang ito, isang sweetie pie na small-but-terrible, pero uminom ng suka dahil sa 50 pesos?  Ah, malalaman natin mamaya. “In” siya sa hosting, at isa siyang Halili. Ah, si Katrina Halili?! ‘Di uy! Tapos nang isyu nu’n ah!

Na-discover si Sheena Halili sa Star Struck Batch 1 ng GMA-7. Ayon sa kikay na taga-Pampanga, nadako lang daw siya sa mall at ayun nag-audition na. Wow, hah! Ano ang role mo? “Ah, may pagka-kikay comedy; ako po iyong sa Marimar, sa Kim Sam Soon, Lalola, sa Zorro, at ngayon sa Rosalinda. Anything na role po, kasi gusto ko ring masubukan lahat, eh.”

Eh magpasexy? “Ay, huwag, huh! Ang hindi ko lang kaya eh, magpa-sexy talaga.”

Ah, ganu’n? Sino na’ng nagpatibok-tibok sa puso mo, aber? Artista rin? “Ah, wala pa talaga sa isip ko ang lovelife na iyan. May time po d’yan.”

Ah, why o why? “Kasi napaka-ano eh, kasi maingay at kikay ako, kasi gusto ko nasa bahay lang ako, nagla-laptop at nagpe-Facebook.”

Nagpe-Facebook ka? Twitter, Friendster, Wayn, hehehe… baka naglalaro pa ng Mafia Wars. “Pinakamasaya ko pong gimik eh, iyong kumain ako with friends, with my family.”

Naks! Gusto lang niyang my privacy ang life niya. Maiba, gusto niya ring maging make-up artist ng mga artista at photographer ng mga models. Uy, mga kelots, mga 27 na raw siya mag-aasawa. Agapan na ninyo hangga’t matamis pa.

Ano iyong funniest experience mo? “Ako ah, sige, haay, nakakahiya naman! Alam ninyo sa halagang P50 uminom ako ng suka, hahaha!”

Buti ‘di ka naging paksiw hehe… “Ay oo, pero hindi naman iyong super dami ha? Kasi sa school nu’n, break namin, so me dalang fishball, so iyong friend ko dineyr iyong classmate ko, pero naman kasi nu’ng high school, hindi naman ganu’n kalaki iyong baon mo lalo na iyong panahon namin, so iyon ininum ko talaga! Kaya kapag nagkikita-kita kaming magkaka-klase, sasabihin nila, ayan ha artista ka na, dati uminom ka pa ng suka para sa 50 pesos.”

Paggising mo anong inuuna mo, nagmumumog ka ba kaagad? “Una kong tinitingnan kung anong oras akong gumising, ‘yung CP ko kung my message.”

Sige nga, ilang beses kang maligo sa isang araw? “Ako, twice, bago umalis tapos, pag-uwi. Minsan nga hindi ko na binabasa iyong ulo, katawan na lang, hehehe…  wisik-wisik! Pero siyempre kapag may chance sa taping meron nang CR du’n, nagpapaalam ako kung puwedeng maligo. Minsan, nagbi-bimpo nga lang ako eh, heheh…. Kasi naranasan ko na iyon, dahil sa schedule, hindi naman dahil tamad akong maligo, minsan wala na akong time maligo, siyempre ang init-init ng katawan ko, kaya iyong buhok ko pino-pony tail ko na lang tapos, nagbimpo-bimpo na lang ako, kasi wala na akong time umuwi ng Pampanga. Minsan nakikiligo ako kina Rhian, minsan naliligo ako sa GMA. Amoy-pawis, tama! Kahit nasa bahay ka lang paggising mo feeling mo ang oily mo na.”

Ok, si Maricel Soriano, heard ko huh, kung magpalit daw siya ng underwear, mga 5 times, si Sheena ilan? “Haaay! Naku secret ko iyan, ha-ha! Naku ha, pero madalas din akong magpalit. ‘Wag ko nang sabihin kung ilan, hi-hi-hi… pero sa taping, marami talaga akong dalang underwear, iyon kasi ang importante. Kaya iyong lalagyan ko ng marumi sa sasakyan pinakamarami talaga iyon.” Uy huwag kayong mamalisya, usapang hygiene ‘yun. Sabay-bawi hahaha…

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

One thought on “Larawan sa Canvas: Sheena Halili, uminom ng suka?

Leave a Reply

Your email address will not be published.