Larawan sa Canvas: One-on-one with Joyce

JOYCE JIMENEZ – ISANG babaeng nakilala sa sexy roles niya sa mga pelikula at minsan na rin siyang natunghayan sa pang-umagang programang Unang Hirit. Sa panahon ng kanyang kasikatan, kung walang Joyce, tila kulang ang panlasa ng kalalakihan.

Na-interview ko si Joyce sa Startalk ng GMA-7 at bueno, madiskartehan muna natin si Joyce.  Balita ko nag-asawa ka na, totoo ba ‘yon? “Yeah!”  Well, medyo malayo lang kayong dalawa ngayon, totoo ba? “Yeah!”

Ah, maybe because of your showbiz kaya ganu’n? “Well, hindi naman because of me, kasi siya, meron siyang training na hindi pa rin kami puwedeng magkasama, he has training in Georgia. Kaya while he’s on training balik naman ako dito, trabaho naman ako dito.”

So kumusta naman ang pag-aartista mo, hindi ka naman nahihirapan o naninibago dahil natagalan ka sa ibang bansa? “Well, hindi naman. Kasi although I got married, at least getting back, I get to see my family.”

At hayun, ayon sa kanya naghihintay lang na may mag-offer sa kanya. Pero kung ngayon may mag-offer sa ‘yo bilang bida o kontrabida, alin ang mas gusto mo? “Kasi I think you get more exposures if you are a kontrabida, although ok naman ding maging bida.”

Mga ilang taon ka na ngayon Joyce? “Ha? Nasa 20’s pa rin ako hahaha…”

Mukhang nagulat ah, hahaha! At tuloy pa rin ang ating pangngungulit. Pero medyo katawan mo ngayon, medyo thin ka? Konting intriga lang Joyce. “Ah siguro kasi diet ako ngayon.”

Ah, may pino-promote ka na lingerie, ha? “Yeah, that’s my business, Private Joyce. Ako I sell under Ever Bilena myself.”

At kuwidaw, ha? Gusto niya, lalaki ang unang anak niya. “Kasi kapag lalaki, he’s there to protect me.”

Ay, oo! Kasi iba naman iyong tatay, iba naman iyong brother or a son, kaya boy na lang muna. Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For any of your comments and suggestions, please e-mail maestrorobiaparazzi@yahoo.com and or orobiakpp@yahoo.com

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.