Larawan ng Yolanda Victims, Pasok sa Best Photos ng Time Magazine

NAKAPASOK SA Top 10 Best Photos of 2013 ng TIME magazine ang litrato ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Leyte.

Makikita sa nasabing larawan ang mga babaeng residente ng Tolosa, Leyte bitbit ang mga imahen ng Sto. Niño at Poong Nazareno sa gitna ng mga nawasak na kabahayan at mga nagbuwal na puno.

Ang litrato ay kuha ni Philippe Lopez para sa Agence France-Presse.

Sinabi ng TIME magazine na marami ang tila naaakit ng naturang larawan, hindi lang dahil sa emosyong ipinapakita nito, kundi maging sa imahe ng pananampalataya na kakabit nito.

Samantala, kahanay ng litrato ng Yolanda victims ang mga kuha ng iba’t ibang photographer sa Boston Marathon bombing noong Abril, larawan ng bangkay ng mag-asawang magkayakap na natagpuan sa ilalim ng gumuhong gusali sa Bangladesh, ang madugong kilos-protesta sa Taksim Square sa Istanbul at iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.