Lara Morena, gustong maging ina nina Santino at Agua Bendita!

NAGBABALIK-SHOWBIZ SI LARA Morena, this time actress/producer ng indie film na Fling with Rafael Rosell and Jacq Yu. Itinatag ang MSG Production (initials ng real name ni Lara – Maylene Sanchez Galang) sa tulong ni Charlotte Dianco na siyang sumulat ng story.

“Gusto kong i-try since nandito na rin lang ako sa movie industry. I’ve been producing before pa, mga events, shows… so, I might try namang mag-produce ng movie, ‘di ba? Nag-enjoy ako while doing the movie as an actress and a producer also. Five days kaming nag-shoot sa Boracay, four days sa Baguio plus mga scenes sa Manila,” say ni Lara.

Lovely as ever pa rin si Lara, mas lalong naging kaakit-akit ngayon kaysa dati. Pati kilos at galaw, ibang-iba. Walang bakas ng mga kontrobersiya na kinasangkutan niya noong araw. Binura na nga ng morenang actress sa kanyang isipan ang mga kagagahan na ‘yun sa tawag ng pag-ibig. Ibang klase kasi kung magmahal, todo-todo halos wala nang itinitira para sa kanyang sarili.

“Hindi naman ako dumating sa point na nagtangka akong magpakamatay. Wala sa vocabulary ko’yun, masarap yatang mabuhay,” sambit ni Lara na masaya’t maligaya kahit walang boyfriend.

Inamin ni Lara na malaki ang paghanga niya kay Rafael kaya niya ito kinuha. May nang-iintriga ngang crush raw nito ang actor kaya siya nag-produce ng pelikula. “Huwag ninyo kaming intrigahin, maganda ‘yung working relationship namin ni Rafael. Ayaw kong pagselosan ako ng girlfriend niya. I’m happy kahit loveless ako ngayon, focus muna tayo sa trabaho. Ito ang gusto kong gawin, marami pa akong matutulungan na kapatid natin sa movie industry,” paliwanag niya.

Diretsong inamin ni Lara na malaki ang panghihinayang niya nang hindi natuloy ang kanilang love scene ni Rafael.

Malaking factor kasi ang bed scene na ‘yun sa pelikula. “Supposedly, mayroon talaga dahil madly inlove siya sa akin kaya lang ginahol na kami sa time. ‘Yung date na dapat magla-last shooting kami, ginawa na namin sa mall. Maganda pa naman sana ‘yung love scene namin ni Rafael, aggressive ako sa love making namin because I want him back. Lahat gagawin ko para ma-win ko uli siya,” say ng magaling na actress.

Pangarap din ni Lara na makagawa ng teleserye. Okey lang sa kanyang gumanap ng mother role kung sina Santino at Agua Bendita ang magiging anak niya. “Wala namang problema sa aking maging mother sa soap huwag lang maging ina ng mas matanda pa sa akin, na noong time na nag-uumpisa ako sa showbiz, nand’yan na sila,” natatawang sabi ng actress.

Naloka nga kami nang sabihin ni Lara kung sino ang mga ‘yun. Sa totoo lang, sila dapat ang gumanap na Nanay ni Lara dahil bukod sa hindi sila kagandahan, gurang na at parang nanganak na!

Excited na ikinuwento ni Lara na malaki ang paghanga niya sa mga bagets ng ABS-CBN. “I’m a big fan nina Santino at  Agua Bendita. Lahat kami sa bahay sinusundan namin ‘yung soap nila. Ang galing ng mga bata, paiiyakin ka nila, walang gabi na hindi ako umiiyak. Maganda kasi ang takbo ng story, kaabang-abang. Sana may flashback para lumitaw uli ‘yung mga bata at mas lalong tumaas ang ratings nila. Nakaka-miss din kasi ‘yung batang babae. Gusto kong gumawa ng film na makakasama ko sila.

Kailangan siguro, magandang istorya na babagay sa amin. Na-excite tuloy ako, na-sad lang nu’ng nagdalaga na sina Agua Bendita…”

Sa ngayon inihahanda na ang solo movie ni Lara para sa kanyang MSG Production. Isang mapanghamon papel ang gagampanan niya na magpapakita ng galing niya sa pag-arte. Naiibang character na kailangan pang mag-research para maging makatotohanan ang role na gagampanan ng bagong actress for 2010. “ I’m sure magugulat kayo sa role ko na may pagka-offbeat ang character !”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.