Lapu-Lapu, Ginawang Katatawanan; TV Ad ng Diaper, Kinondena

PLANONG MAGPADALA ng request letter ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Lapu-Lapu City, Cebu sa National Historical Commission (NHC) hinggil sa commercial ng isang brand ng diaper na nakaiinsulto sa kanilang siyudad.

Sa naturang commercial, ginawang katawa-tawa ang pagpunta ni Ferdinand Magellan sa lungsod ng Lapu-Lapu, kung saan dinalhan lang nito ng maraming diaper si Datu Lapu-Lapu para sa kanilang anak ng babaeng umano’y si Reyna Bulakna na naging dahilan sa kanilang away sa Mactan o tinawag na ‘’Battle of Mactan”.

Sinabi ng Lapu-Lapu City Government na nakaiinsulto ang paggamit sa kasaysayan ng kanilang siyudad sa maling impormasyon lalo’t makikita ito sa national television.

Samantala, ang nabanggit na hakbang ng lungsod ay dahil na rin sa reklamo ng isang guro na ang kanyang mga estudyante ay mas naniniwala sa natu-

rang advertisement ng diaper kaysa sa kani-lang history class.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.