Laptop na nakulimbat, ibinebenta Suspek sa Pagnanakaw sa DOST Office, Tiklo

NAHULOG SA kamay ng pulisya ang suspek sa panloloob sa opisina ng Department Of Science and Technology (DOST) sa Naga City.

Kinilala ang nasabing salarin na si Ryan Yukim, 30, ng Barangay Sta. Cruz sa naturang lungsod.

Base sa report ng mga kinauukulan, “caught in the act” si Yukim habang ipinagbibili sa foodcourt ng SM ang ninakaw na laptop na may logo pa ng ahensiya.

Samantala, tinutugis pa rin ng mga kinauukulan ang umano’y lider ng grupo nina Yukim na si Weng Orcini at ang anak umano ng isang Barangay Captain sa lungsod na sangkot din sa pagnanakaw.

Napag-alaman na ang perang mapagbibilhan ng mga nakaw na gamit ng grupo ay ibibili umano ng ipinagbabawal na gamot.

(PARAZZI REPOR-TORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.