Laplapalooza!

Sa nakaraang Araw ng mga Puso, hindi nagpatalo ang mga mag-jowa sa pagiging sweet sa isa’t isa. Aba’y kung nakapagtala ang Pilipinas sa Guinness World of Records noong 2004 ng pinakamaraming jowa-ers na naghalikan sa isang araw lamang, aba naman, mukhang may kumpetisyon ‘ata kung sino ang pakner na dudumugin ng ga-bundok na langgam, huh!

Kita n’yo naman, keber lang ang mga mag-jowang itech sa pakikipag-kiss-kiss-an sa harap ng madlang tao. Gaya nga ng sabi, “I-kiss-kiss mo beybeh!” Pero hinay-hinay lang sa pag-kiss mga ateh at kuya. Huwag lang hahayaang mamaga ang inyong kissable lips, awkhei? Baka mapagkamalang kinagat ‘yan ng bubuyog. At higit sa lahat, ingat din kayo, baka ma-parazzi kayo ng mga matitinik nating parazzi photog na mahilig rin makipagkiskisan…sa kanilang mga kamera. Hekhek!

Photos by RICKY ALEJO

loading...

One thought on “Laplapalooza!

Leave a Reply

Your email address will not be published.