Lanuza, ‘Di Mapupugutan ng Ulo

TINIYAK NI Vice President Jejomar Binay na hindi mapupugutan ng ulo ang overseas Filipino worker (OFW) na si Dondon Lanuza.

Sinabi ni Binay na aprupado na umano sa Palasyo ang P4 milyong kontribusyon.

Ayon pa sa pangalawang pangulo, hindi umano totoong nawala na ang pondo para kay Lanuza dahil may mga kailangang proseso sa korte bago ang gagawing pagpapalaya sa naturang OFW.

Una rito, nagpasalamat ang gobyerno ng Pilipinas sa pagsagot ng Saudi Arabia sa 2.3 milyon na Saudi Riyal na kakulangan sa blood money para sa OFW na si Lanuza.

Samantala, taong 2000 nang mapatay ni Lanuza ang isang Saudi national na nanutok sa kanya ng kutsilyo at tinangka umano siyang pagsamantalahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.