Lantarang bentahan ng laman sa Monumento, nabulabog 10 bebot, Inaresto sa Oplan Magdalena!

PINAGDADAMPOT NG MGA elemento ng Caloocan Police ang may 10 kababaihan hinggil sa talamak na bentahan ng panandaliang-aliw sa nabanggit na lungsod kahapon.

Ang aksiyon ito ni P/Sr. Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan PNP ay base sa mga natatanggap na reklamo mula sa mga residente hinggil sa hayagang paglalako ng sex ng mga naarestong babae sa kalye at talamak na prostitusyon sa mga beerhouse sa nasabing lungsod.

Ang mga babae na tinatayang nasa edad 18 hanggang 25 anyos ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police Station.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Sr. Supt. Jude Wilson Santos, Hepe ng Caloocan-PNP, samu’t saring reklamo na umano ang kanilang natanggap hinggil sa lantarang bentahan ng panandaliang-aliw sa kahabaan ng Rizal Ave. Ext., Monumento at sa harap ng Araneta Mall sa Bonifacio Circle.

Dahil dito, agad na iniutos ni Santos ang operasyon na tinawag na “Oplan Magdalena” na ‘di lang naglalayong itigil ang imoral na aktibedades sa lugar kundi upang iligtas ang mga kababaihan na nasabak sa naturang gawain.

Dakong ala-1 ng madaling-araw nang ikasa ang operasyon, isang police asset ang nagpanggap na parukyano at nang magkasundo sa halagang P500 kapalit ng pakikipagtalik ay siya namang hudyat upang dakmain ang naturang babae, maging mga kasamahan nito na nakatambay sa lugar na pawang binitbit sa presinto.

Kaugnay nito, hindi lang sa Monumento Circle talamak ang prostitusyon kundi maging sa mga nightclub na matatagpuan sa kahabaan ng McArthur Highway tulad ng Kerrie KTV, Silip, ShowTime-2 at Secret.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.