Nagtatanong Lang!: Lani Misalucha, P1.2 M na ang talent fee kada show?

Hindi na ba talaga maabot itong si Lani Misalucha?

Totoo bang sobrang taas na ngayon ng talent fee nitong si Lani, as in super taas at parang hindi na makatwiran?

Tsika kasing nakarating sa amin, P1.2 milyon na raw ngayon si Lani kada show. Take note, show at hindi big concert, ha.

Nang may mag-inquire raw kasi kung magkano si Lani sa isang show, tumataginting na P1.2 M daw. Siyempre, medyo nalula ang concert promoter.  Pero, sinabihan naman siya  na kung nagdududa siya, puwede siyang mag-research. Sa huli raw kasing ginawang show ni Lani rito na ginanap pagkatapos ng Metro Manila Film Festival noong December ay binayaran si Lani ng nasabing halaga.

True enough, napatunayan nga ng promoter na P1.2 ang ibinayad na talent fee sa napakagaling na singer.

by Alex Brosas

loading...

4 thoughts on “Nagtatanong Lang!: Lani Misalucha, P1.2 M na ang talent fee kada show?

  1. Di nga sya kasing sikat ni Regine dito… Pero ikaw ba naman kasi talonin mo si Celine Dion as best singer sa Las Vegas eh deserving ka talaga sa millions… Hehehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.