Tanda Ba News?: Lani Mercado: Ang Legal Wife

SA KABILA NG kontrobersiya, nanatili siyang matatag para manatiling buo ang pamilyang mahalaga at pinu-protektahan niya.

‘Yan si Ma. Jesusa Victoria Hernandez-Bautista o mas kilala bilang Lani Mercado ng Philippine showbiz. Ipinanganak siya noong April 13, 1968 at nasa ilalim ng matapang na zodiac sign na Aries.

13 years-old pa lang siya nang pasukin niya ang masalimuot na industriya ng mga artista. Pasok siya sa pelikulang Boystown noong 1981. Hindi na siya nabakante nu’ng mga sumunod na taon at unti-unti n’yang iwinagayway ang kanyang pangalan bilang isang mahusay na aktres.

Sa showbiz n’ya nakilala si Jose Marie Mortel Bautista o Bong Revilla Jr. At nu’ng May 28,1986, nagpakasal sila sa Estados Unidos. Nobyembre 22, 1986 naman isinilang ang kanilang panganay na si Bryan Revilla. Nasundan pa ito ng limang makukulit at kyut na kyut na tsikiting na nagbigay-kulay sa busy at masalimuot niyang mundo.

Iniwan ni Lani ang showbiz para maging full-time madre de pamilya. Ngayong malalaki na ang kanyang mga anak, kumikinang nang muli ang ating star. Habang binabato naman ng kontrobersiya ang kanyang asawa, pinanindigan ng ating bida na resolbahin ito sa loob ng tahanan nila at sa pagitan lang nilang dalawa. At kahit sinong babae pa ang ma-link sa asawa niya, ipinagmamalaki niyang siya ang nag-iisa at legal na asawa. O, ha?! Saan ka pa?!

by Mayin de los Santos

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.