Landslide at Baha Alert, Nakataas na sa Bagyong Nando

TULUYAN NANG naging bagyo ang low pressure area sa bahagi ng sila-ngang Visayas.

Sinabi ng Pagasa na huling namataan ang sentro ng tropical depression Nando sa layong 290 kilometers sa silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

Ito ay nagtataglay ng maximum sustained winds na 45 kilometers per hour (kphg) malapit sa gitna.

Ito’y ang umuusad sa pangkalahatang direksyon na pa-hilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 13 kph.

Bunsod nito, asahan umano ang “moderate to heavy” rainfall o 5-15 milimeters per hour na buhos ng ulan sa mga lugar na nasa loob ng 300 kilometer ng nasabing bagyo.

Ngayong araw, inaasahan ang tropical depression sa layong 270 kilometers sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Samantala, nagpaalala rin ang Pagasa na ang mga apektadong lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng mga pag-ulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.