Lalong Nanghina Kaysa Gumaling: Gov’t Official, Umaming Nagpa-Stem Cell

SA HALIP na lumakas ang katawan, humina pa ang kundisyon ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Secretary Antonio Villar matapos sumailalim sa isang stem cell procedure.

Sinabi ni Villar na sinubukan nila ng kanyang misis na sumailalim sa stem cell kasunod ng mga balitang nakapagpapasigla ito ng katawan at nakapagpapagaling ng iba’t ibang sakit.

Ani Villar, isang Marites Ong ang kanyang nilapitan kaugnay ng stem cell therapy na alok ng German doctor at assistants mula Thailand.

Nagbayad siya ng 15,000 Euro at karagdagang 1,000 Euro matapos ang stem cell procedure sa Shangri-La Hotel. Kabilang aniya sa proseso ang mga injection sa iba’t ibang parte ng katawan.

Bukod pa aniya rito ang bayad ng kanyang asawa na sumailalim sa naturang proseso dahil sa pagiging diabetic.

Pero imbes na bumuti ang kalagayan, lumala pa aniya ang pananakit ng kanyang katawan, gayundin ang sakit ng kanyang asawa.

Dahil sa naging karanasan, hindi aniya ini-rerekomenda sa mga kaibigan ang stem cell.

Una nang pinangalanan ang dalawang mambabatas na nasawi umano matapos sumailalim na nasabing treatment.

Samantala, bago ito, sinabi ng Philippine Medical Association (PMA) na sisiyasatin nila ang pagkamatay ng tatlong pulitiko dahil umano sa nabanggit na treatment sa Germany.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.