Lalaking walang ulo, isinilid sa drum

HINIHINALANG BIKTIMA ng summary execution o salvage ang natagpuang katawan ng lalaki na walang ulo, nakatali ang kamay at paa na inilagay sa drum, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nagsasagawa na ngayong masusing im-bestigasyon ang tanggapan ni Sr. Supt. Bernard Tambaoan, Caloocan City chief of police, upang alamin ang tunay na pagkakakilanlan sa biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Cherry St., Rainbow Village, Bagong Silang, Caloocan City.

Nabatid na ilang residente ang nakapansin sa drum na nilalangaw at may amoy na hindi kanais-nais at nang tignan, nakita ang bangkay ng biktimang walang ulo na parehong nakatali ang mga kamay at paa.

Agad namang ipinagbigay-alam ang naturang insidente sa pulisya.

Inaalam na rin ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa biktima at ang mga respon-sable sa nabanggit na krimen.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.