Lalaking Wala sa Katinuan, Todas sa Alon

TODAS ANG lalaking nawawala sa sarili matapos humampas ang ulo sa semento nang hampasin ng alon habang ang una ay nasa tabing-dagat sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Norman Davadilla, 39 ng Davadilla Compd., Luna St., Bangkulasi ng lungsod.

Base sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang nakatayo ang biktima sa tabing-dagat malapit sa kanilang bahay nang hampasin ng malalaking alon.

Nawalan ng balanse at natumba at humampas ang ulo sa sementadong kalsada na naging dahilan ng kamatayan.

Nabatid sa pamilya ng biktima na hinahayaan ng mga ito ang biktima na maglagi sa tabing-dagat matapos malaman na may diperensiya sa pag-iisip.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.