Lalaking Umiihi, Kinagat ng Unggoy

ISINUGOD SA Eastern Visayas Regional Medical Center ang isang lalaki matapos na kagatin ng isang unggoy ang kanang kamay nito habang umiihi sa isang pader kamakailan.

Base sa nakalap na report ng mga kinauukulan, nakikipag-inuman ang biktimang si Lito Dosal, tinatayang nasa 30-anyos at residente ng Pampanggo, lungsod ng Tacloban sa bahay ng kanyang kumpare sa Brgy. 6-A, Sto. Niño.

Dahil sa labis na kalasingan ay hindi nito namalayan na may hawla pala ng unggoy malapit sa kanyang inihian.

Biglang nawala ang kalasingan ng biktima matapos na bigla siyang kagatin ng unggoy at dumugo ang kanyang kamay.

Patuloy pa ring inoobserbahan ng mga doktor sa EVRMC ang biktima at inaalam rin kung may rabbies ang nangagat na unggoy. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.