Lalaking Tumakbo Nang Hubo’t Hubad, Umaming Drug Carrier

ISASAILALIM UMANO sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa Camarines Sur ang isang lalaki na umaming isang drug carrier matapos matagpuang tumatakbo sa lansangan ng hubo’t hubad.

Kinilala ang lalaki na si Cydemin Debonza, 21, isang Muslim mula sa Iligan City at kasalukuyang naninirahan sa Daet, Camarines Norte.

Ayon kay PO2 Raul Daza ng PNP Camaligan, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na ang kanilang chief of police sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang aminin ni Debonza na nagdadala siya ng droga mula Metro Manila at ipinapasok sa Bicol region.

Nangyari ang pag-amin ni Debonza nang saklolohan siya ng mga barangay officials sa bayan ng Camaligan

matapos matagpuang walang saplot dahil sa umano’y paghabol ng mga lalaking armado.

Ayon sa suspek, posibleng ang mga taong nakasalamuha niya sa kanyang pagtutulak ng droga sa nasabing lalawigan ang humabol sa kanya hanggang sa palayan na puno ng putik.

Ilang kilalang indibidwal din ang idinawit ni Debonza sa isyu ng iligal na droga at patuloy na pinasisiyasat ng mga awtoridad.

Samantala, pinalaya rin ang inarestong lalaki dahil sa wala naman umanong reklamong isinampa laban dito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.