Lalaking Nang-agaw ng Baril, Patay sa Pulis

PATAY AGAD ang isang 32-anyos na lalaki na suspek sa panghihipo at tangkang panggagahasa sa isang batang babae ang binaril at napatay nang isa sa dalawang miyembro ng Malabon City Police makaraang agawan ng baril ang isa sa dalawang pulis sa nasabing lungsod kahapon ng umaga.

Ang biktima na namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng 9mm caliber sa ulo at katawan ay si Michael Guevarra, 32, ng Concepcion, Tugatog ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Malabon PNP, bandang alas-7:00 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente mismo sa bayan ng Malabon ilang metro lamang ang layo sa himpilan ng Malabon Police.

Bago umano maga-nap ang nasabing insidente, isang nanay ang nagreklamo sa pulis hinggil umano sa ginagawang panghihipo at tangkang pangagahasa sa kanyang 16 anyos na anak na babae sa loob ng Tugatog Cemetery.

Kaagad namang nag-responde sina PO3 Michael Angelo Solomon at SPO1 Jerome Peralta, pawang nakatalaga sa mobile force ng nasabing himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si Guevarra.

Habang dinadala ng

dalawang nasabing pulis at isang barangay tanod ang suspek sa himpilan ng pulisya sakay ng mobile patrol car ay biglang inagaw ni Guevarra ang service firearm ni PO3 Solomon at nagawang iputok dahilan para tamaan ng bala ng baril ang kasamang barangay tanod sa kaliwang paa.

Dahil dito ay kaagad namang binaril ni SPO1 Peralta ang suspek na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib at isa sa ulo na nagresulta ng maagang kamatayan ng suspek.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para malaman ang tunay na pangyayari sa likod ng nasabing insidente.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.